-ang malagim na kwento
-zuprio
Nanay,tatay gusto kong tinapay,
Ate,kuya gusto kong kape,
Lahat ng gusto ko ay susundin nyo,
Ang mag ka-mali ay pi-pingutin ko.
Pamilyar ba ito sa pandinig nyo?,
May nag balik tanaw ba sa ala-ala mo?,
Ito’y larong pang bata na naka lakihan ko,
Totoo’ng nakali-libang at naka e-enganyo.
Siguro nuong musmos pa tayo ay ‘di natin ‘to napa-pasin,
Ngunit ang mga kataga ay may kahulugan kung iyong su-suriin,
Sa saliw ng kanta ay may dala-dalang bigat na anong diin,
At may isang paslit na nag na-nais dingin ang munting hiling.
Isang maikling kwento ang nabasa ko ukol dito,
Ngunit ‘di ko rin masasabi kung ito nga ba ay totoo,
Dapatwat nang dahil dito ay napa isip din ako,
Bakit nga ba ang isang bata ay mangu-ngusap ng ganito?.
May isang batang paslit na babae ang may kapansan sa pag sa-salita,
Bunso sa tatlong mag ka-kapatid ng pamilyang dukha,
Sa kabila ng kamusmusan ay ginawang alila,
Ng kuya’ng nag bu-bulakbol at ate’ng laging gala.
Ang nanay ay abala sa trabaho at strikto,
Samantalang ang ama ay sugalero at lasingero,
Isang tipikal na pamilyang may kumpletong myembro,
Subalit ang lahat ay may kanya-kanyang mundo.
Ang gawaing bahay ay sa paslit ina-asa,
Sa halip na si ate ang dapat gumagawa,
Ganuon din naman si kuya pag katapos ng eskwela,
Palaging iniinsulto ang naka ba-batang kapatid nya.
May isang beses na ang paslit ay inabuso ng kuya,
Dala ng kalasingan at ka-lulongan sa droga,
Wala s’yang magawa kundi ang matulala,
Sa pagkat walang boses na malikha ang kanyang dila.
Isang gabing dinatnan s’ya ng ama na nag hu-hugas ng pingan,
Ang paslit ay binugbog at pinagalitan,
Dala ng yamot sa pag ka talo sa sabungan,
Lahat ng galit ay sya ang pinag buntunan.
Dumating na sa puntong wala s’yang mapag sabihan,
Sapagkat ang ina ay abala at ‘di sya pinakikingan,
Hindi rin s’ya makapag salita dahil sa kapansanan,
Kaya labis na pag ka balisa ang kanyang pinag da-daanan.
Sa labis na lungkot s’ya ay sumulat ng tula,
Patungkol sa mga hinaing at nais nyang ipagawa,
Nag iwan ng mensahe na may kasamang sumpa,
Kasabay ng pag pa-paka tiwakal ang iniwan nyang kanta.
Ninais n’yang mabigyan ng maayos na lamay,
Pag silbihan ng magulang at handugan ng tinapay,
Ipag timpla ng kape ang mga bisita sa loob ng bahay,
Sa huling sandali ay makita man lang ang kanilang pag damay.
Ngunit kabaligtaran ang lahat ng naganap,
Sa halip na malungkot, silang lahat ay nagalak,
Sapagkat nabawasan daw ng isang pabigat,
Kaya’t ang sumpa sa kanila ay sumambulat.
Isa isang namatay ang myembro ng pamilya,
Sapagkat ang tula ay pinag pawalang bahala,
Ipinagkait ang ka huli-hulihang habilin ng bata,
Kaya’t ang kabayaran ay ang kanilang pag ka wala.
Ito ay kwento na lingid sa ating ka alaman,
Hindi ko masasabi na ito ay may katotohanan,
Sa isang bagay lang ako may kasiguraduhan,
Ang bawat madam-daming tula ay may kahulugan.
*pa alala ito po ay isang kwento lang na walang sapat na basihan.